Mahigit 7.4-M indibidwal nakapagparehistro bilang botante sa nagdaang pitong buwan — COMELEC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatayang nasa mahigit 7.4 milyong indibidwal ang nagparehistro bilang mga botante sa loob ng pitong buwang pagpaparehistro para sa midterm elections sa Mayo 2025, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Mula Pebrero 12 hanggang Setyembre 30, umabot sa kabuuang 7,427,354 aplikasyon ang naiproseso maliban sa Lalawigan ng Batanes na pinalawig ang deadline ng pagpaparehistro hanggang nitong Oktubre 2 dahil sa bagyong Julian.

Nanguna ang Calabarzon sa bilang ng mga nagparehistro na may mahigit 1.2 milyon, sinundan ng National Capital Region na halos isang milyon, at Central Luzon na may higit 834,000. Ang Cordillera Administrative Region ang may pinakamaliit na bilang ng mga nagparehistro na may 111,410.

Bukod sa pagpaparehistro ng mga bagong botante, nagproseso din ang Comelec ng mga aplikasyon para sa paglilipat, pagwawasto ng mga detalye, reactivation ng records, at iba pang update. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us