Umabot na sa 9,716 na family food packs (FFP) ang paunang naipamahagi ng DSWD sa mga lugar na apektado ng Bagyong Kristine sa Rehiyon 8.
Ayon kay DSWD-8 Regional Director Grace Subong, sa probinsya ng Samar, kasama sa tumanggap ang bayan ng Daram, 1,500 FFP; Hinabangan, 23; Matuginao, 1,700; San Jorge, 1,184; at Sta. Margarita, 1,500.
Samantala, 2,800 na FFP ang naipamahagi sa Jipapad, Eastern Samar. Meron ding napamahagi sa Naval, Biliran, at mga stranded na pasahero ng Padre Burgos, Southern Leyte.
Ang nasabing FFPs ay nagkakahalaga ng P8.5-M at mabilis na naipamahagi dahil naka-preposition ito sa mga LGU.
Simula kahapon, October 23, 2024, meron nang 53,225 pamilya o 204,183 indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad. Patuloy ang DSWD-8 sa pagkalap ng datos at pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno para masiguro na lahat ng apektado ng Bagyong Kristine ay maabot ng ayuda ng pamahalaan. | ulat ni Ma. Daisy Amor Lalosa-Belizar | RP1 Borongan