Mahigpit na seguridad, ipinatutupad sa Amoranto Sports Complex ngayong unang araw ng COC filing

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakalatag na ang security measures sa loob at labas ng Amoranto Sports Complex para sa opisyal na pagsisimula ngayong araw ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga tatakbo para sa 2025 Midterm Elections.

Sa Amoranto Sports Complex ang itinalagang venue ng COC filing para sa mga kakandidato sa Districts 1-6.

Buong pwersa ng Quezon City Police District, QC Department of Public Order and Safety, at Traffic and Transport Management Department (TTMD) ang maagang naka-deploy na dito para tiyakin ang maayos na pag-arangkada ng COC filing.

Iisa lang ang magiging entrance at exit points para sa mga magtutungong kandidato kung saan hanggang tatlong companion lang din ang papayagang makapasok.

Ngayong alas-7 ng umaga, sisimulan ding ipatupad ang one way scheme sa Scout Chuatoco St. mula sa kanto ng Scout Reyes hanggang sa Quezon Avenue.

Magiging No Parking Zone din ang naturang kalsada at hindi rin papayagan ang pananatili ng mga supporter.

Sa loob ng Amoranto Sports Center, nakalatag na rin ang mga silya at mesa maging ang tarpaulin na gabay para sa mga magsusumite ng kanilang COC. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us