Umarangkada na ngayong araw ang “Makasaysayang Kyusi Bike Trail: Padyak Pabalik sa Kasaysayan” bike ride event na inisyatiba ng Quezon City Government.
Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-85 na Foundation Anniversary ng Quezon City.
Madaling araw pa lang , sinimulan na ang pagpaparehistro ng mga siklista sa Balintawak Monument na sasali sa bike ride event .
Iikot ito sa iba-ibang heritage site sa Quezon City sa loob ng 35 kilometro bike trail na tatagal hanggang alas dose ng tanghali.
Mula sa Balintawak, babagtasin ng mga siklista ang mga sumusunod na ruta:
- EDSA
- Clover Leaf Street
- Old Samson Road
- Kaingin Road
- Seminary Road
- Villa Socorro Street
- Oblates Father Street
- Congressional Avenue
- Visayas Avenue
- Tandang Sora Avenue
- Himlayan Road
- Pantranco
- Road 2
- Road 6
- Banlat Road
- Luzon Avenue
- Katipunan Avenue
- Shuster
- C.P. Garcia
- Lt. J. Francisco Street
- P. Francisco Street
- Maginhawa Street
- Masinsinan Street
- White Plains
- Quezon Avenue at magtatapos sa
- Elliptical Road | ulat ni Rey Ferrer