Agad na nagkasa ng disaster response measures ang Malabon LGU bilang paghahanda sa inaasahang malalakas na ulang dala ng bagyong Kristine.
Ayon sa Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa ilalim na ngayon ng “red alert status” ang buong lungsod para sa mabilis na pagtugon sa oras ng kalamidad.
Operational na rin ang City Command and Communication Center, para magbigay ng update sa sitwasyon sa ibat ibang lugar sa lungsod.
Nakahanda na rin ang rubber boats, rescue vehicles, early warning devices at flood sensors g LGU para sa emergency response operations.
Sa ngayon, nagsasagawa ng libreng sakay ang LGU para sa mga nasstranded na pasahero dahil sa baha.
Kaugnay nito, nanawagan naman ang pamahalaang lungsod ng kooperasyon at pakikipag-ugnayan makaiwas ang lahat sa kapahamakan.
“Kung sakali man ho na ang pamahalaang lungsod ay mag-rekomenda ng preemptive evacuation, hiling lamang po namin sa mga Malabueño ay ang kanilang kooperasyon. Ito ay para sa kaligtasan ng bawat isa. Asahan ninyo na nakanda ang lokal na pamahalaan para tumulong sa inyo ano man ang panahon,” Atty. Espiritu. | ulat ni Merry Ann Bastasa