Sa bisa ng Proclamation No. 700 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ay idinedeklara ang October 15 ng bawat taon bilang National Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day.
Batay sa inilabas na proklamasyon ay pinapawalang bisa nito sa kabilang banda ang Proclamation No. 586 na nagdedeklara sa March 25 bawat taon bilang “Day of the Unborn.”
Layunin ng inilabas na Proclamation No. 700 na kilalanin at alalahanin ang mga nasawing sanggol habang ipinagbubuntis o pagkatapos na mailuwal gayundin naman ang mga ina na labis na nagdalamhati bunsod ng pagkawala ng kanilang supling.
Kaugnay nito’y inaatasan ang DOH na pangunahan at pangasiwaan ang ilulunsad na mga programa at aktibidad gayundin ng mga gagawing proyekto kaugnay ng inilabas na proklamasyon.
Hinihikayat naman ang lahat LGU, NGO at pribadong sektor na suportahan ang National Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day. | ulat ni Alvin Baltazar