Masakit at mahapdi sa bulsa ang mararanasan ng mga Pilipinong motorista bukas.
Ayon kasi sa oil company na UniOil, mahigit ₱2 ang dapat asahang taas-presyo sa lahat ng produktong petrolyo bukas.
Ito ay tumugma sa naging forecast ng Department of Energy (DOE) noong isang linggo kung saan nasa ₱2:00-₱2.35 ang posibleng taas-presyo sa kada litro ng gasolina, ₱2.35 hanggang ₱2.65 sa diesel, at ₱2.45 hanggang ₱2.55 ang posibelng maging taas-singil sa kerosene.
Giit ng DOE na ito ay bunsod pa rin ng patuloy na paglala ng tensyon sa Gitnang Silangan, gayundin ang nararanasang sama ng panahon sa Estados Unidos. | ulat ni Lorenz Tanjoco