Prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga mahihirap na mamamayan sa bansa.
Binigyang diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang pagbibigay ng magandang edukasyon na mag-aangat sa ekonomiya ng bansa.
Bukod dito, ang ginagawa nito sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng DSWD.
Pinabulaanan ng kalihim ang puna na umano’y nagiging “ayuda nation” ang bansa, kung saan karamihan sa mga Pilipino ngayon ang nakasalalay na lamang sa iba’t ibang mga government assistance.
Wala aniya siyang nakikitang masama sa pagtulong sa mga nangangailangan, dahil mandato ng DSWD ang pagbibigay ng serbisyo. | ulat ni Rey Ferrer