Nagpaliwanag si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro kung bakit siya napilitang tumakbo bilang Kinatawan ng unang distrito ng Lungsod.
Sa kaniyang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) kahapon, sinabi ni Teodoro na naunsyami ang dapat sana’y alyansa nila ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na kaniyang makakatunggali sa nasabing posisyon.
Ayon kay Teodoro, kumalas ang kampo ng senador noong July 28, dahilan upang mawalan sila ng kandidato para sa naturang distrito.
Magugunitang inihayag ni Pimentel kamakalawa na nagulat siya sa naging pasya ni Teodoro na magtapatan sila sa unang distrito gayung nagpahayag na ang alkalde na tatakbo ito sa ikalawang distrito. | ulat ni Jaymark Dagala