Tatapusin lang ni Marikina Representative Stella Quimbo ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) bago tuluyang ihain ang Ethics Complaint laban kay Agri Party-list Representative Wilbert Lee.
Ito ang kinumpirma ng solon nang samahan ang asawa na si dating Representative Miro Quimbo sa paghahain ng COC sa COMELEC-NCR.
“After this filing period [of Certificates of Candidacy]…ipa-file na po namin [‘yung ethics complaint] ni Cong. Nikka. [BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co].
Ani Quimbo, mayroong ipinadalang “apology letter” ang kasamahang kongresista, ngunit para sa kanya, parang sapilitan lamang ito.
Aminado ang senior vice-chair ng Appropriations Committee na napatago siya sa likod ng podium dahil sa takot sa maaaring gawin ni Lee nang sugurin sila ng co-budget sponsor na si BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co.
“Iniwasan ko po yung inakala ko pong parang, I thought he was going to assault us. So ‘yun ang nakita ko, that’s why I ducked. So yun po,” sagot ni Quimbo sa media.
Personal nang humingi ng paumanhin si Lee kay Co nang magkita sa Tent City kung saan naghahain ng COC ang mga senador at party-list representatives.
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring pahayag ang kampo ni Lee tungkol sa insidente at sa planong ethics complaint laban sa kanya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes