Marine Corps mula sa 8 bansa, magsasama-sama para sa unang araw ng KAMANDAG Exercises

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasama-sama ang iba’t ibang Marine Corps mula sa walong bansa para sa ika-8 Bilateral Exercises na binansagang Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat (KAMANDAG).

Nasa 1,150 miyembro ng Philippine Contingent buhat sa Philippine Marine Corps, Philippine Navy, Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG) ang lalahok sa naturang pagsasanay.

Kasama nila ang mga contingent mula sa Amerika, South Korea, Japan, United Kingdom, at Australia habang may mga observer din mula sa Thailand, Indonesia, at France.

Ngayong araw, isasagawa ang mga pagsasanay sa Burgos, Ilocos Norte partikular na ang Combined Arms Litoral Live Fire gayundin ang Humanitarian Assistance & Disaster Response Demonstration.

Bukas naman, October 17 isasagawa sa Aborlan, Palawan ang Amphibious Assault at Counter Landing habang sa Rizal, Palawan gagawin ang Amphibious Assault.

Layon ng naturang pagsasanay na patatagin pa ang ugnayan ng mga bansa para sa pagtataguyod ng mapayapa at matatag na Indo-Pacific Region. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us