Marine litter, nananatiling isa sa pinakamalaking usaping pangkalikasan ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinututukan ng pamahalaan ang iba’t ibang banta sa kalikasan na nararanasan sa bansa, partikular sa coastal areas.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Philippine Reclamation Authority (PRA) Engr. Albert Tayabas na una na rito ang marine litter.

Nakalulungkot ayon sa opisyal na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nagdudulot o nakaaambag sa plastic emissions sa mga baybayin.

Napakalaking issue aniya ng marine litter para sa kapaligiran ng Pilipinas.

“Ayon sa mga pag-aaral, isa ang Pilipinas sa mga bansang nagdudulot o nagbibigay ng mga plastic emissions sa ating baybayin. So, ngayon malaking issue ang marine litter sa ating kapaligiran, so ito iyong magiging daan natin itong mga environmental awareness para maresolba ang mga isyung gaya ng marine litter po.” -Engr. Taybas

Bukod sa marine litter, problema rin sa bansa ang degradation, at coastal flooding sa mga komunidad na malapit sa baybayin.

“So, bukod po doon sa marine litter ‘no, marami pong mga environmental threats, kagaya ng degradation, iyong coastal flooding along the coastal communities, iyan ang ilan sa mga environmental threats for our mga baybayin po.” -Engr. Taybas.

Dahil dito, mahalaga aniya ang partisipasyon ng mga komunidad sa pagsisikap ng pamahalaan na pangalagaan ang coastal ecosystem ng bansa. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us