Ipinanawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng iba’t ibang bansa ang pangangailangan na iangat ang pamumuhunan sa mga inisyatibo, programa, at polisiya na tutugon sa climate crisis.
Sa opisyal na pagbubukas ng Asia- Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa PICC ngayong umaga, binigyang diin ng Pangulo ang pangangailangan ng pagkakaroon ng sapat na pondo, para sa pagpapatuloy ng disaster risk reduction ng buong mundo.
Sa ganitong paraan rin kasi, ayon sa Pangulo, mas mabibigyan ng access ang developing countries, lalo na iyong mga pinaka-maliliit na bansa na palakasin ang kanilang kakayahan na sumabay at tumugon sa epekto ng nagbabagong panahon.
“This entails ensuring that developing countries, particularly the least-developed countries, landlock countries, and small island developing states, are provided greater access to these resources to advance their policies and build disaster resilience.” -Pangulong Marcos.
Makakaasa aniya ang global community na ang Pilipinas, bilang isang climate champion, at isang bansa na humaharap sa 20 bagyo at 500 lindol kada taon, isusulong ang inisyatibong ito, sa pagho-host ng bansa sa Loss and Damage Fund.
“This reinforces our commitment to improving the Board’s operations and to contribute to the success of its institutional architecture.” -Pangulong Marcos.
Umaasa ang Pangulo na sa pamamagitan ng pondong ito, masusuportahan ang mga bansa na pinaka-vulnerable o pinaka-apektado ng Climate Change.
“Through collaborative research, information sharing, and innovative financing, we continue to strengthen and deepen our partnerships with these key stakeholders. And finally, we must advocate for stronger international legal frameworks that guide disaster prevention and response. The Philippines is proud to lead the initiative toward developing an international legal instrument for the Protection of Persons in the Event of Disasters.” -Pangulong Marcos.| ulat ni Raquel Bayan