Matagumpay na anti-illegal drug operation ng NBI sa San Miguel, Maynila, pinapurihan ng Malacañang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ng Malacañang ang pagkakahuli ng National Bureau of Investigation (NBI) sa hinihinalang pusher ng iligal na droga, at sa pagkakasabat ng drug-related paraphernalia sa operasyong kontra iligal na droga, na isinagawa ng tanggapan sa San Miguel, Manila.

Pahayag ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kasunod ng operasyon ng NBI, sa tulong ng Presidential Security Group (PSG), PDEA, at local police sa isang drug den sa loob ng Malacañang Complex, (October 16).

Ang matagumpay na operasyon na ito ayon kay Secretary Bersamin, sumasalamin lamang sa paninindigan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuldukan ang pagkalat ng iligal na droga sa bansa.

“We commend the NBI, with the support of the PSG, PDEA, and local police, for the apprehension of a suspected pusher of illegal drugs, and the seizure of drug-related paraphernalia at San Miguel, Manila.” —ES Bersamin.

Kaugnay nito, nanawagan ang kalihim sa mga law enforcement agent na huwag tigilan ang paghabol sa mga kasabwat ng suspect na nananatiling malaya.

Umaapela rin ang kalihim ng kooperasyon mula sa publiko.

“We call on law enforcement to relentlessly pursue the capture of his accomplices, who remain at large. Moreover, we ask for the full cooperation of all citizens in this ongoing investigation.” —ES Bersamin.

Pagsisiguro ng kalihim, wala ni- isang sulok ng bansa gaano man kaliblib ang magsisilbing ligtas na lugar para sa mga indibiwal na sangkot sa bentahan o paggawa ng iligal na droga, at mananagot sa batas ang mga ito.

“Let it be known: no corner of this land, no matter how remote or concealed, will serve as a refuge for the producers and distributors of these lethal substances. The full, unforgiving weight of the law will always descend upon them.” —ES Bersamin. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us