Nakalatag na ang plano ng Department of Agriculture (DA) para sa pagtatayo ng mega cold storage facility para mabawasan ang post-harvest losses sa sektor ng pagsasaka.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, masasakatuparan na ito sa pag-apruba ng ₱1.5-billion unprogrammed fund sa kagawaran.
Kabilang sa planong itayo ay isang higanteng mega structure cold storage at karagdagan pang modular cold storage facilities.
Paliwanag nito, sa tulong ng cold storage facilities, mapapalawak ang pag-iimbakan ng mga agricultural commodities gaya ng gulay at matutugunan ang kadalasang hamon ng overproduction.
Sinabi naman nitong posibleng masimulan ang procurement para sa pasilidad sa taon ding ito oras na mailabas na ang budget. | ulat ni Merry Ann Bastasa