Isa sa tumataas na rason ng pagdrop out o pagtigil sa pag aaral sa kolehiyo ng mga estudyante ay ang kanilang mental health concern.
Binahagi ito ni Commission on Higher Education (CHED) chairman Prospero de Vera sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2025 budget ng ahensya.
Nangunguna sa top 5 na dahilan sa pagtigil sa pag-aaral ng mga college students ang problemang pinansyal, sunod ang problema sa pamilya, pangatlo ang relocation, pang apat ang medical/ mental health concern at pang lima lang ang academic difficulty.
Sa mga dahilang ito, hindi aniya nila inasahan ang pagdami ng kaso ng pag quit dahil sa mental health concern.
Sinabi ni De Vera na nagpapatupad naman na ang CHED ng mga programa para matugunan ito bagama’t aminadong kulang ang mga guidance counselor sa higher education.
Kaya naman hiling rin ng CHED chairman sa Senado, amyendahan ang batas na nagmamandatong magkaroon muna ng master’s degree bago makakuha ng licensure exam sa pagiging guidance counselor.| ulat ni Nimfa Asuncion