Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) sa publiko na handa silang rumesponde sa anumang problema sa kuryente ngayong Undas, sa kabila na rin ng banta ng Bagyong Leon.
Ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga, bagama’t sarado ang mga Meralco Business Center sa November 1 at 2, may mga crew na naka-antabay 24 oras para tumugon sa anumang emergency.
Hinikayat din ng Meralco ang publiko na maging maingat sa paggamit ng kuryente lalo na’t maraming pupunta sa mga sementeryo ngayong Undas.
Ilan sa mga paalala nila ay ang pagpatay sa mga appliances na hindi ginagamit, pag-iwas sa octopus connections, at pagsiguro na tuyo ang mga saksakan para makaiwas sa sunog.| ulat ni Diane Lear