Metro Manila Council, nagpahayag ng suporta kay bagong DILG Sec. Jonvic Remulla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Metro Manila Council (MMC) ang pagkakatalaga kay dating Cavite Governor Jonvic Remulla para pamunuan ang Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, hindi biro na pamunuan ang isang progresibong lalawigan gaya ng Cavite kaya’t tiwala siyang madadala ni Remulla ang mga karanasan nito sa pamumuno sa pambansang lebel.

Sinabi pa ni Zamora na tiwala silang, bilang isang local chief executive, mauunawaan ni Remulla ang kalooban ng mga katulad nilang namumuno sa kani-kanilang nasasakupan.

Kaya naman, sinabi ni Zamora na kung anoman ang mga bagong polisiya na nais ipatupad ng bagong kalihim ay kanila itong malugod na susuportahan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us