Metro Manila, ilang karatig lalawigan, patuloy na uulanin ngayong umaga — PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan ang makulimlim at maulang panahon sa Metro Manila at ilang karatig nitong lalawigan.

Sa Thunderstorm Advisory ng PAGASA na inilabas kaninang 5:10 AM, maaaring maranasan ang katamtaman hanggang sa may kalakasang ulan na may pagkidlat at malakas na hangin sa Laguna, Rizal, Quezon, at Bulacan.

Ayon sa PAGASA, iiral ang thunderstorm sa loob ng dalawang oras.

Nararanasan na rin ang mga pag-ulan sa Cavite (Bacoor) at ilang bahagi ng Metro Manila kabilang ang Las Pinas, Muntinlupa, Parañaque, Taguig, Pasay, at Makati.

Posibleng tumagal pa ang mga pag-ulan hanggang sa mga susunod na oras.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga natukoy na lugar sa banta ng flash floods at landslides bunsod ng thunderstorm. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us