Muling sinilip ng ASEAN leaders ang tutok nito sa digital innovation, food security, at sustainable tourism, sa ika-44 na ASEAN Summit.
Kasunod ng kaliwa’t kanang pulong sa ika-44 at 45 ASEAN Summit sa Vientiane, Laos, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na natalakay rin nila ang ilang urgent issues na kinahaharap ng mga bansa, tulad ng Climate Change.
“At the π°π°ππ΅ ππ¦πππ‘ π¦ππΊπΊπΆπ, we revisited our focus on digital innovation, food security and sustainable tourism while tackling the urgent challenges of climate change,” pahayag ng Pangulong Marcos.
Napagkasunduan rin aniya ng ASEAN Leaders ang pagsuporta sa maliliit na negosyante sa rehiyon, pamumuhunan sa agriucltural innovations ng ASEAN Region, at pagpapalakas sa hanay ng mga kababaihan, bilang drivers ng regional growth.
“We have collectively agreed on supporting MSMEs, investing in agricultural innovations and empowering women as key drivers of regional growth,” dagdag pa ng Chief Executive.
Sinabi ng pangulo na habang lumalakad pasulong ang ASEAN Region, dapat ring palakasin pa ang pakikipagbalikatan nito sa isa’t isa ang mga ka-partner na bansa, tungo sa mas maunlad na hinaharap.
“As we move forward with our revitalized partnerships, we stand united in paving a future that works for everyone in πππππ,” ani Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan
πΈ PCO