Kabuuang 900 farming households sa dalawang Agrarian Reform Communities sa Surigao del Sur ang nakinabang sa pinalawak na internet access sa Caraga Region.
Ang proyekto ay inisyatiba ng Department of Agrarian Reform at Department of Information and Communications Technology sa pakikipagtulungan ng USAID Beacon at unconnected.org.
Ayon sa DAR, ginamit ng dalawang bagong activated community network ang Low-Earth Orbit (LEO) Satellite Technology ng Starlink na may internet bandwidth na hanggang 200 MBPS Download Speed, na nagkokonekta ng 100-150 users kada access point .
Ang unang community network ay in-activate sa Barangay San Isidro, Marihatag, isang third-class municipality.
Ang internet network ay pangangasiwaan ng San Isidro Abaca Farmers Organization at magbibigay ng libreng internet connectivity lalo na sa mga estudyante at guro
Ang pangalawang community network ay in-activate sa Sitio Mabuhay, Barangay Kahayagan sa Tagbina, Surigao del Sur. | ulat ni Rey Ferrer