Mga armadong grupo, mahigpit na tututukan ng PNP ngayong papatapos na ang paghahain ng kandidatura

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa lahat ng mga opisyal nito na paka-tutukan ang mga armadong grupo na magtatangkang sirain ang mapayapang pagdaraos ng halalan sa Mayo ng susunod na taon.

Ginawa ng PNP chief ang pahayag sa ngayong bisperas ng deadline sa paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) na nakatakda bukas, October 8.

Ngayong umiinit na ang tunggalian sa pagitan ng mga nagnanais tumakbo para sa Halalan 2025, ipinaalala ni Marbil ang kanilang tungkulin na tiyakin ang ligtas at patas na kapaligiran para sa mga kandidato at publiko.

Kaya naman inatasan ng PNP chief ang lahat ng commander nito sa ground lalo na sa mga lugar na may kasaysayan na ng gulo at karahasan na gawin ang pinaigting na pagbabantay.

Sa pamamagitan aniya ito ng maigting na Police visibility, paglalatag ng checkpoint sa mga istratehikong lugar, at ang pinag-ibayong intelligence monitoring sa kanilang nasasakupan.

Muli ring pinaalalahanan ni Marbil ang lahat ng pulis na maging non-partisan at nagbabala pang kakastiguhin ang sinuman sa hanay ng Pulisya na mapatutunayang kumikiling o sumusuporta sa isang kandidato. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us