Kinilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang ambag ng mga bangko sa bansa sa pagsisikap ng gobierno na maalis sa Financial Action Task Force (FATF) “grey list”.
Sa statement ng BSP, sinabi nito na katuwang nila ang mga bangko at iba pang BSP – supervised financial institution na paghusayin ang ating pagtalima sa isa sa mga findings ng FATF ang Anti Money laundering/countering the financing of terrorism o AML/CFT initiatives.
Kabilang sa mga action na ginagawa ng Sentral Bank ang pagpapabuti ng money service supervision at epektibong pagpapatupad ng targeted financial sanctions.
Nagpahayag din ang BSP ng kanilang dedikasyon na mahigpit na pairalin ang integridad ng financial system at pagsasagawa ng risk-based AML/CPTF examination, thematic reviews at capacity building programs.
Kapag naalis ang PIlipinas sa “grey list”, higit itong pakikinabangan ng mga overseas filipino workers dahil mas mdali na at mas mura ang charge ng kanilang remittance at cross-border transactions. | ulat ni Melany Reyes