Nagbabala ang isa sa malaking bangko sa bansa na maging mas aletro laban sa cyber scams ngayong nalalapit na ang holiday season.
Ayon sa Bank of the Philippine Islands (BPI), karaniwang laganap ang cyber crimes tuwing kapaskuhan kaya dapat mas magingat sa pamimili— online man o personal shopping.
Sa statement na inilabas ng Ayala-led bank, habang dumarami ang holiday shoppers lalo dumarami din ang kaso ng cybercrimes.
Sa ganitong panahon ayon kay BPI Enterprise Information Security and Data Protection Officer Jonathan Paz, mas dumarami ang mga fraudulent emails, fake websites, at iba pang online threats habang papalapit ang pasko kaya dapat maging informed at maingat sa ating mga financial information.
Base sa Statistica Survey, 80 percent ng mga tao ang namimili para sa Pasko, 70 percent dito ay via online at sa physical stores.
Payo ng banko, iwasan ang public Wi-Fi para sa online transactions, iwasan na tunanggap ng tulong sa mga hindi kilala sa atm transaction, huwag ibahagi ang mga one-time PIN, huwag click ng click sa mga hindi kilalang link, secure digital wallets, ingatan ang mga ATM at at credits card, at ireport ito agad pag nawala o ninakaw.| ulat ni Melany V. Reyes