Kinilala ni Finance Secretary Ralph Recto ang business leaders at entrepreneurs bilang mga “true pillars” ng Philippine economy.
Ito ang ibinihagi ni Recto sa kaniyang acceptance speech, kung saan napili siya bilang Lifetime Contributor Awardee for Public Sector– pinakamataas na parangal sa Asia CEO awards.
Ayon sa kalihim, komited siyang isusulong ang mga reporma upang gawing mas madali ang pagnenegosyo sa bansa at mas maka-enganyo ng mga mamumuhuan.
Binigyang halaga din ni Recto ang pagpapahusay ng maituturing na assets ng bansa, gaya ng demographic sweet spot, mababang inflation, stable at predictable at sustainable investment environment.
Ayon sa DoF chief, patuloy nilang pagagandahin ang investment climate ng Pilipinas upang kumita ang mga mamumuhunan, mas maraming trabaho at pataasin ang kita ng mga Pilipino at makaahon sa hirap. | ulat ni Melany Reyes