Nasa 232 Filipino na deportees mula sa Tawi-Tawi ang dumating mula Sabah, Malaysia, lulan ng barkong MV Trisha Kerstin.
Sila ay sinalubong ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) Tawi-Tawi upang makuha ang kanilang datos at malaman kung saang bayan ng lalawigan sila uuwi.
Naging katuwang ng MSSD Tawi-Tawi ang Philippine Marine Corps sa pag-transport sa mga nasabing deportees mula sa Bongao port patungong Capitol Extension Building, kung saan sila pansamantalang mananatili.
Samantala, tumanggap ng fare allowance ang mga deportees mula sa MSSD Tawi-Tawi at food assistance upon arrival mula sa tanggapan ni Congressman Dimzsar Sali. | ulat ni Laila Sharee Nami | RP1 Tawi-Tawi.