Nakahanda na ang mga evacuation center sa iba’t ibang barangay sa Pasig City para sa mga residente na lilikas dahil sa masamang panahon na dulot ng Bagyong Kristine.
Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, nagsimula na ang 14 barangay sa pag-set up ng kanilang evacuation sites matapos ipamahagi kahapon ang mga modular tent sa 30 barangay.
Kabilang sa mga barangay na nakapag-set up na ng modular tents ang Caniogan, Dela Paz, Pinagbuhatan, Pineda, Manggahan, Malinao, Maybunga, Rosario, San Jose, San Miguel, Santolan, Sta. Lucia, Sto. Tomas, at Sumilang.
Nanawagan naman ang Pasig LGU sa mga residente na sumunod sa mga abiso ng barangay para sa preemptive evacuation upang matiyak ang kaligtasan ng lahat sa harap ng inaasahang epekto ng bagyo.| ulat ni Diane Lear