Agad nagpaabot ng tulong ang Quezon City Govt sa mga pamilyang inilikas dahil sa mga pag-ulang dulot ng Bagyong Kristine.
Sa District 1, naging abala si Coun. Charm Ferrer sa pagiikot sa mga evacuation site para personal na mamahagi ng rice assistance sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Kristine.
Kabilang sa nahatiran ng tulong ang mga evacuee mula sa Brgy. Masambong, Bahay Toro, Project 6, Del Monte, Damayan at Manresa.
Kinamusta rin nito ang lagay ng mga apektadong residente at namahagi rin ng tsinelas at hot meals.
Nagpaabot din ng tulong sina Mayor Joy Belmonte at Congressman Arjo Atayde para sa mga nasalanta sa Distrito Uno.
Batay naman sa pinakahuling tala ng QC LGU, aabot sa 2,200 na pamilya o 7,278 na indibidwal ang inilikas sa evacuation centers sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa