Pinaliwanag ni Senate Minority leader Koko Pimentel ang magiging takbo ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee sa Lunes.
Ayon kay Pimentel, una nilang didinggin ang panig ng mga pamilya ng mga naging biktima ng war on drugs.
Sunod dito ang mga isyu sa war on drugs, kabilang na ang mga alegasyon ni dating PCSO General Manager Royina Garma.
Matapos nito ay saka lang aniya papakinggan ang panig ng mga nagpatupad ng war on drugs, kabilang na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Pimentel na iimbitahan sa pagdinig ang dating presidente para makapagbigay ito ng agarang reaksyon sa mga isyung ibabato sa war on drugs ng kanyang administrasyon.
Samantala, sinabi rin ni Pimentel na hindi naman niya mapipilit ang dating pangulo kung pipiliin nitong hindi sumagot sa mga tanong sa kanya sa pagdinig.| ulat ni Nimfa Asuncion