Madadaanan na sa lahat ng uri ng sasakyan ang mga kalsada sa Valenzuela City na nalubog sa tubig baha dahil sa epekto ng bagyong Kristine.
Sa abiso ng Valenzuela City Command Control and Communication Center (VCC3), humupa na sa tubig baha ang bahagi ng Mc Arthur Highway partikular sa Wilcon, Dalandanan at BDO Dalandanan area.
Wala na ring baha sa bahagi ng Maysan-Paso De Blas-NLEXl-Bagbaguin.
Passable din sa lahat ng uri ng sasakyan ang bahagi ng Bartolome St., Malanday kahit may bahagya pang tubig baha.
Dahil pa rin sa bagyong Kristine, idineklara na ng Valenzuela City Government ang suspension ng in persom at online classes sa lahat ng lebel ng pampubliko at pribadong eskwelahan sa lungsod bukas, Oktubre 24.
Ang inilabas na direktiba ay alinsunod sa automatic class suspension ordinance ng Valenzuela City.
Supendido rin ang pasok ng city hall employees maliban sa Emergency and Disaster Response Offices. | ulat ni Rey Ferrer