May iniwang bilin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kakandidato sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ngayong 2025 mid-term elections.
Ayon kay Navotas Rep. Toby Tiangco, campaign manager ng alyansa, ang paalala lang ng Presidente ay manatiling tapat at maging mapagmahal sa bayan ang bawat kandidat sa ilalim ng Alyansa.
At para naman sa kanilang mga mambabatas, isulong ang legislative agenda ng Presidente.
Isa lamang si Tiangco sa mga kandidato sa pagka kongresista na naghain ng kanilang Certificate of Candidacy sa unang araw ng filing.
Si Tiangco ay tatakbo muli bilang kinatawan ng Navotas.
Naghain na rin ngayong araw si Caloocan 2nd district Rep. Mitch Cajayon-Uy bilagn re-electionist pagka-kongresista.
Balik local government naman si Albay 2nd district Rep. Joey Salceda matapos ang tatlong termino, na naghain din ng COC sa pamamagitan ng kaniyang abogado, para gobernadora ng Albay.
Kasama rin sa naghain ng COC ngayong araw si Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan para naman maging kongresista sa lungsod ng Paranaque. | ulat ni Kathleen Forbes