Nasa 995 Badjao Dilaut ang naging benepisyaryo ng assistance to individuals in crisis situations sa araw ng Pambansang Buwan ng mga Katutubo sa bayan ng Simunul, Tawi-Tawi.
Sila ay tumanggap ng tig-3,000 piso mula sa Department of Social Services and Development at mga food packs mula sa pamahalaang panlalawigan ng Tawi-Tawi.
Nagkaroon ng boodle fight bilang salu-salo matapos ang pagkilala at pagdinig sa mga kwento ng buhay ng Badjao at kung paano nila nilabanan ang kasalukuyang hamon ng buhay at kahirapan.
Nagpasalamat ang mga Badjao sa pagkilala at pagpapahalaga sa kanila, ito’y patunay na sa Bagong Pilipinas, walang Pilipinong mapag-iiwanan. | ulat ni Laila Sharee Nami | RP1 Tawi-Tawi