Tumanggap ng calamity assistance ang mga katutubong Sama-Bajau sa Brgy. Dalahican at Brgy. Barra, Lucena City, mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) – Catanauan Community Service Center kamakailan.
Ayon sa pabatid ng Tanggapan, mahigit 230 relief packs na naglalaman ng bigas at mga pangunahing pangangailangan ang naipamahagi sa mga katutubo.
Pinangunahan ni NCIP Catanauan OIC Fil Vincent Garcia ang aktibidad, kasama ang mga benepisyaryo ng Ayta Educational Assistance Program (EAP) mula sa Tayabas City.
Bahagi ng paglinang ng malasakit sa kabataang Indigenous Peoples ang pakikilahok sa mga serbisyo para sa mga kapwa katutubo. | ulat ni Mara Grezula | RP1 Lucena