Sinalubong ng mahina hanggang sa katamtamang buhos ng ulan ang mga senatorial aspirants at party-list groups na maghahain ng kanilang kandidatura ngayong umaga sa Manila Hotel Tent City sa pagpapatuloy ng COC filing na na nasa ikaanim na araw na.
Kanina, kauna-unahang naghain ng kanilang kandidatura ang Pinoy Workers party-list na sinundan ng API party-list habang ang senatorial aspirant at singer na si Jimmy Bondoc sa ilalim ng PDP-Laban ang pinakaunang senatorial aspirant na dumating dito sa lugar kung saan kasama niya si incumbent Senator Robin Padilla na agad namang sinundan ni Junbert Guigayuma na isang IP mula Mindanao na nagbabalak tumakbo rin sa Senado.
Sa labas naman ng tent city ay hindi rin nagpatinag sa ulan ang ilang mga supporters na may kanya-kanyang dalang placards, streamers, at bandera para ipakita ang kanilang suporta sa mga grupo at indibidwal na nagpapasa ng kanilang mga dokumento para kumandidato sa susunod na halalan.
Ngayong umaga, nanatiling maulap at ang maya’t mayang pagbagsak ng ulan sa paligid ng Manila Hotel.| ulat ni EJ Lazaro