Magbibigay ng konsiderasyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na may mga paglabag sa trapiko ngayong kapaskuhan.
Ito ay kasabay ng pagpapatupad ng adjusted mall hours simula Nobyembre 18.
Ayon kay MMDA Chairperson Atty. Don Artes, hindi muna sila mag-iisyu ng ticket para sa mga minor na paglabag sa trapiko.
Partikular na binanggit ni Artes bilang halimbawa ng minor na paglabag sa trapiko ang “swerving” o ang biglaang paglipat ng linya.
Maliban dito, magiging case-to-case basis umano ang sakop ng mga minor na paglabag sa trapiko.
Bilin naman niya sa mga traffic enforcer, na pagsabihan at paalalahanan ang mga motorista tungkol sa kanilang paglabag, at huwag nang mag-isyu ng ticket kung minor offense lang naman. | ulat ni Diane Lear