Mga miyembro at pensionado ng SSS na naapektuhan ng bagyong Kristine, maaaring mag-avail ng loan sa SSS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng Social Security System (SSS) na ang mga miyembro at pensionado na naapektuhan ng bagyong Kristine ay maaari nang mag-avail ng salary loan at pension loan, para matugunan ang kanilang mga pangangailangang pinansyal.

Ayon kay Pedro Baoy, Senior Vice President ng Lending and Asset Management Group ng SSS, ang mga empleyado, self-employed, at boluntaryong miyembro na may hindi bababa sa 36 na buwanang kontribusyon, at anim dito ay naihulog sa loob ng huling 12 buwan bago ang loan application, ay kwalipikado para sa isang buwang salary loan.

Para sa mga nais mag-avail ng dalawang buwang salary loan, kailangan naman ng hindi bababa sa 72 na naka-post na kontribusyon.

Ang mga miyembrong kwalipikado ay maaaring magsumite ng kanilang loan application online sa My.SSS Portal.

Kapag naaprubahan, ang loan proceeds ay ipapadala sa rehistradong UMID-ATM Card ng miyembro o sa aktibong account sa mga bangkong kalahok sa PESONet. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us