Bukod sa pag-aasikaso sa mga inilikas na pamilya sa mga binahang lugar ay abala din ang Department of Social Welfare and Development DSWD) Field Office (FO) sa rehiyon ng Bicol sa pagpapaabot ng tulong sa mga indibidwal na na-stranded sa mga pantalan kasunod ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Sa Tabaco Port, Albay, halos 645 pasahero na na-stranded ang nahainan ng hot breakfast meals ng DSWD.
Samantala, mahigit naman sa 700 stranded individuals sa Matnog Port sa lalawigan ng Sorsogon ang nabigyan ng breakfast packs.
Namahagi din ang DSWD FO-5 ng packed hot meals sa 628 stranded passengers sa Pio Duran Port sa Albay.
Sa ngayon, nananatiling naka-alerto ang lahat ng DSWD FOs na posibleng daanan ng bagyong Kristine.
Ayon sa DSWD, nakahanda ang mga ito para sa disaster response operation at relief augmentation requests ng mga local government units ( LGUs) at maging ng iba pang tulong na kakailanganin. | ulat ni Merry Ann Bastasa