Tumaas pa ang antibodies na taglay ng mga baboy na bakunado na kontra African Swine Fever (ASF).
Ayon kay DA Assistant Secretary Dante Palabrica, halos isang buwan matapos ang rollout ng bakunahan kontra ASF, umabot na sa 90% ang antibodies ng mga baboy sa dalawang farms sa Lobo, Batangas.
Nasa maayos din aniyang kondisyon ang mga baboy na unang naturukan.
Sa ngayon, patuloy ang pagbabakuna ng DA sa natitirang doses mula sa 10,000 emergency-procured AVAC live vaccines sa iba pang lugar sa Batangas.
Una na ring sinabi ng DA na plano nitong maging commercially available na rin ang bakuna kontra ASF bago matapos ang taon.
Kaugnay nito, as of October 2, umakyat pa sa 534 ang bilang ng mga barangay sa bansa na nasa ilalim na ng Red Zones o may aktibong kaso ng ASF. | ulat ni Merry Ann Bastasa