Halos sunud-sunod na dumating sa COMELEC-NCR ang mga naghahain ng kandidatura pagka kongresista ng Metro Manila.
Hanggang sa mga sandaling ito ay 11 ang nakapaghain ng kanilang certificate of candidacy sa huling araw ng filing.
Isa sa mga una naghain ay si Manila 3rd district Rep. Joel Chua na sinamahan pa ni Manila Mayor Honey Lacuna.
Sinundan siya ni incumbent Taguid 2nd district Rep. Pammy Zamora na sinamahan ng kaniyang ama na si dating Cong. Ronaldo Zamora.
Susubok muli si Allan Reyes sa pagkakongresista ng 3rd district ng QC na kakalabanin si incumbent Rep. Franz Pumaren.
Balik kongreso din si dating Mandaluyong Congw. Queenie Gonzales, maybahay ni incumbent Mandaluyong Rep. Neptali Boyet Gonzales. Dati nang nag kongresista si Gonzales noong 17th congress.
Sinamahan naman ni San Juan Mayor Francis Zamora ang isa pang kapatid na si incumbent Congw. Bel Zamora na isa ring re electionist.
Pang siyam naman na naghain si incimbent Quezon City 6th district Rep. Marivic Co-Pilar, sinamahan naman siya ni QC Mayor Joy Belmonte.
Dahil dito 80 na ang nakapaghain ng COC mula October 1 at tanging ang Manila 6th district na lang ang hindi pa nakakapag hain ng COC. | ulat ni Kathleen Forbes