Buhos ngayong araw ang mga naghain ng kandidatura sa pagkakongresista sa Metro Manila.
Labimpitong kandidato ang naghain ngayon ng certificate of candidacy sa COMELEC-NCR, pinakamarami sa nakalipas na pitong araw ng filing ng COC.
Dahil naman dito nasa kabuuang 69 na kandidato sa congressional race na ang nakapaghain ng kandidatura.
Muli naman nagpaalala si COMELEC NCR Asst. Regional Election Dir. Atty. Jovencio Balanquit sa mga tatakbo na agahan ang pagpunta sa tanggapan ng COMELEC lalo na at huling araw na ng filing bukas.
Ito ay upang makita kung maayos ang kanilang mga dokumento at makaiwas sa aberya.
Sa ngayon ay wala pang naghahain ng COC bilang district representative ang San Juan, Mandaluyong, Manila 6th district at Quezon City 6th district. | ulat ni Kathleen Forbes