Alas singko trenta’t otso ng hapon opisyal na nagsara ang pagtaranggap ng COMELEC-NCR ng Certificate of Candidacy (COC) para sa mga tatakbong district representative sa NCR.
Sa labimpitong lungsod ng NCR, 93 kandidato ang naghain ng COC para kumatawan sa mga distrito sa kamaynilaan.
Bahagya lang itong mas mataas kung ikukumpara sa mga naghain ng COC noong 2022 elections na 92.
Matapos naman nito ay aayusin na ng COMELEC-NCR ang mga COC na kanilang kailangan maipasa sa COMELEC main nang hindi lalagpas sa October 11.
Ang kopya ng COC na ipapadala sa COC main ay redacted version o tatakpan ang ilang personal na impormasyon gaya ng address.
Ito kasi ang COC na ipapaskil naman ng COMELEC main sa kanilang website.| ulat ni Kathleen Forbes