Umabot sa kabuuang 19 na senatorial aspirants at 15 party-list groups ang naghain ng kanilang kandidatura sa ikaapat na araw ng Certificate of Candidacy (COC) filing para sa Halalan 2025.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), sa pangunguna ni Chairperson George Garcia, matumal pa rin ang mga naghahain ng COC, ngunit inaasahan nilang tataas ito sa nalalabing mga araw ng filing period.
Sa ngayon, nasa 58 senatorial aspirants na ang nagsumite ng kanilang kandidatura mula sa simula ng filing noong October 1, habang 50 party-list groups na ang naghain ng COC mula sa kabuuang 160 party-list na inaasahang sasali.
Wala namang naiulat na untoward incidents sa filing ngayong araw. | ulat ni EJ Lazaro