Mga nakapaghain ng COC para sa pagka-kongresista sa NCR, nasa higit 50 na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 52 ang mga nakapaghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-district representative sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na anim na araw.

Ito’y ayon sa datos ng Commission on Elections (COMELEC-NCR).

Lagpas na ito sa kalahati ng bilang ng mga naghain ng kandidatura noong 2022.

Nagpaalala naman muli si COMELEC-NCR Assistant Regional Election Director Atty. Jovencio Balanquit sa mga kakandidato na huwag nang hintayin ang huling araw ng filing ng COC.

Lalo na aniya para sa mga kakandidato na walang political parties upang maiwasang magka-aberya sa mga dokumento na kanilang isusumite.

Bukas, October 8, ang huling araw ng filing ng COC.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us