Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng ASEAN Leaders na wala pa ring pagbabago ang sitwasyon sa South China Sea; at ang Pilipinas, patuloy pa ring nakakaranas ng pangha-harass sa rehiyon.
“We continue to be subjected to harassment and intimidation,” pahayag ng Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, ito ay kahit pa sa gitna ng ilang positibong development kasama ang China.
Sa ika-27 ASEAN-China Summit sa Vientiane, Laos, sinabi ng p
Pangulo na ito ang dahilan kung bakit dapat nang umusad ang Code of Conduct (COC) para sa South China Sea.
Partikular na binaggit ng Pangulo sa harap ng ASEAN leaders maging ng China, ang agresyon at pamba-braso ng Chinese Coast Guard sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Escoda Shoal.
Kabilang rin ang paggamit ng water cannon, pagbangga, at paggamit ng laser ng Chinese vessels laban sa mga Pilipino.
Sinabi ng Pangulo na ang agresyon ng China ay nagpapakita lamang ng patuloy na paglabag nito sa international law at standards, partikular ang UNCLOS at 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS).
“Such behavior is not unnoticed by our respective publics and the international community as well. That they will require a concerted and urgent effort to adopt measures to prevent their recurrence,” binigyang-diin ng Pangulong Marcos.
Aniya, dapat magawa ng mga bansa na malampasan ang kanilang pagkakaiba-iba, upang mapababa ang tensyon sa rehiyon. “Parties must be earnestly open to seriously managing the differences and to reduce tensions.”
Sa kabila nito, siniguro pa rin ng Pangulo ang commitment ng Pilipinas sa patuloy na pagpapalalim ng relasyon sa pagitan ng ASEAN at China.
“In a comprehensive manner, thereby contributing further to the region’s long-term peace, development and cooperation,” ani Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan