Nadagdagan pa ang bilang ng mga napapaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine.
Batay sa pinakahuling datos mula sa NDRRMC, pumalo na sa 145 ang bilang ng mga nasawi kung saan, 14 dito ang kumpirmadong may kaugnayan sa bagyo matapos sumailalim sa validation.
Nasa 115 naman ang napaulat na nasugatan dahil sa bagyo habang nasa 37 naman ang nawawala.
Umakyat naman na sa 1.7-M pamilya o mahigit 7-M indibiduwal ang apektado ng bagyo.
Habang nasa 86,000 pamilya o katumbas ng mahigit 330,000 indibiduwal ang nananatili sa mga evacuation center sa may 14 regions sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala