Naibalik na sa normal na operasyon ang mga transmission line facilities sa Luzon at Visayas na bumigay sa kasagsagan ni bagyong Kristine.
Maliban na lang sa isang transmission facility na nagsusuplay ng kuryente sa BATELEC 1 o Batangas Electric Cooperative 1.
Ito ay ang Calaca-Taal 69KV Line sa Region 4-A na naapektuhan ng hagupit ng bagyo kahapon ng madaling araw.
Kampante ang National Grid Corporation ofthe Philippines (NGCP) na matatapos na ito sa lalong madaling panahon dahil on-going pa ang ginagawang restoration activities.
Gayunman, nilinaw ng NGCP na nakatuon lamang sila sa pagsasaayos ng kanilang transmission network.
Hindi kasama dito ang mga linya na ekslusibong naghahatid ng direktang koneksyon sa industrial customers, pati na ang localized disturbances na tinutugunan ng mga Electric Cooperative. | ulat ni Rey Ferrer