Nagpahayag ng pagkadismaya si Senate President Chiz Escudero sa mga naging pahayag ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa pamilya Marcos.
Para kay Escudero, hindi nararapat para sa ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ang inasal ni VP Sara.
Sana aniya ay mas naging maingat ang Bise Presidente sa mga salitang binitiwan nito.
Pinaalalahanan rin ng Senate leader ang mga opisyal ng gobyerno, anuman ang kanilang posisyon, na respetuhin at iwasan ang anumang piblic pronouncement na makakasama sa institusyon na kanilang kinakatawan.
Naniniwala naman ang Senate president na, maliban sa stabilidad ng Office of the Vice President, wala namang magiging epekto sa ekonomiya at sa bansa sa pangkabuuan ang naging mga aksyon ni VP Sara.
Gayunpaman, umaasa ang senador na magkakasundo ring muli sina Pangulong Marcos at VP Sara bilang ito ang mas makabubuti sa ating bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion