Isang libo apat na raan at walumput apat (1,484) na pamilya na lamang o katumbas ng limang libo dalawang daan at dalawamput siyam (5,229) na indibidwal ang natitira pa sa mga evacuation center sa Quezon City.
Karamihan sa mga nagsilikas na pamilya ay nagsibalikan na sa kanilang mga bahay hanggang kagabi.
Pinayagan na silang makauwi ng Quezon City Government nang matiyak na wala nang banta sa Bagyong Kristine at ligtas nang balikan ang kanilang bahay.
Mananatiling bukas ang 23 evacuation center sa iba’t ibang barangay sa lungsod hangga’t hindi pa lahat makakabalik sa kanilang lugar.
Sa kasagsagan ng hagupit ng bagyo, halos tatlong libong pamilya o higit sampung libong indibidwal ang inilikas ng LGU dahil sa mga pagbaha.| ulat ni Rey Ferrer