Sinisiguro ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na matutulungan ang mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa pananalasa ng bagyong #JulianPH.
Sa ilalim ng DHSUD Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP), mabibigyan ng unconditional cash assistance ang mga apektadong pamilya.
Ayon kay DHSUD Undersecretary for Disaster Response Randy Escolango, bawat pamilya na may totally damage na bahay ay makakatanggap ng Php 30,000.
Habang sa mga bahagyang nasiraan ng bahay ay makakatanggap ng tig Php10,000 bawat isa.
Sabi pa ng opisyal, ang pagkakaloob ng shelter assistance ay sasailalim muna sa validation bago ang actual payout.
Batay sa ulat ng DSWD Disaster Relief Operation, Monitoring and Information Center, may kabuuang 1,846 ang damaged houses ang naapektuhan ng bagyong Julian at 1,584 dito ay mula sa Batanes lamang.| ulat ni Rey Ferrer