Kasunod ng pabuhos ng mahina hanggang sa malakas na pag-ulan mula pa kaninang madaling araw, naging pahirapan ang biyahe ng mga pasahero sa bahagi ng Pasig City.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas mula sa bahagi ng Ortigas Avenue hanggang sa Pasig Palengke, kapansin-pansin ang mahabang pila ng mga pasahero sa ilang lugar-sakayan o loading and unloading area.
Marami sa kanila mga manggagwa na papasok sa trabaho habang ang iba naman mga estudyante na may face-to-face classes.
Bitbit ang kanilang mga payong, nabasa na sa ulan ang mga nag-aabang ng masasakyan habang ang ilan naman ay nakasuot ng kapote bilang panangga sa ulan.
Ayon sa mga pashaerong nag-aabang, kulang ang jeepney at UV Express na dumaraan sa kalsada dahil sa mabigat na daloy ng trapiko. | ulat ni Jaymark Dagala